Mabuhay ang Pilipinas!
(inaantok ako), .....(naghihikab).
RH Bill. Tutol o hindi nga ba ako? Anu nga ba ang halaga ng opinyon ko, ako’y simpleng mag-aaral lamang. Hindi hihinto ang mga mundo niyo sa mga salitang bibitawan ko. Pero, dapat, dapat na makialam ang kabataan sa kanyang bansa sapagkat ang anumang mangyayari dito’y makakaapekto sa kanya, sa mga magiging anak niya at sa mga susunod pang henerasyong Filipino.
Dati, sang ayon ako sa panukalang ito, matapos kong mapanood ang debate sa TV, bumaliktad ako dahil nakita ko ang posibleng maging epekto nito sa Pilipinas kong mahal.
Narito ang mga dahilan kung bakit nagbago ang aking pananaw.
May napanood akong isang dokumentaryo. Sa smokey mt. nakatira ang mga bida sa istorya. DALAWA LAMANG ANG ANAK NIYA PERO HINDI NIYA PA ITO MAPAG-ARAL AT MAPAKAIN, Bakit? Wala siyang Maayos na Hanap-buhay.
Hindi ko kaylangan ng condom, dahil pag binigyan ako ng health center namin at ang iba pang kabataan ngayon sa bansa, baka kahit virgin pa sila, maaring subukan nila ang produkto.
Pondo patungo sa:
Edukasyon: Ang taong may edukasyon ay magkakaroon ng maayos na buhay at trabaho balang araw na makakatulong sa kanya, sa kanyang pamilya at sa bansa. Ang taong may Edukasyon ay maiisip na hindi niya kaylangang mag-anak ng marami kung hindi kaya ng hanap-buhay niya. Saan ba mas marami ang bilang ng pamilya? Hindi ba sa mga eskwater sapagkat wala silang hanap-buhay at edukasyon. Kung ang isang tao ay edukado, hindi siya maghahalal ng mga opisyal na walang-alam, makikilatis niya itong mabuti upang hindi madispalko ang buwis na iinabayad niya.
Trabaho: Ang pagkakaroon ng maayos na trabaho ay makakatulong sa kanilang mga anak upang makapag-aral, may makain at matirhan. Kapag walang trabaho o edukasyon ang isang tao, maghahalal siya ng opisyal na makapagbibigay sa kanya ng mas mataas na lagay bago ng halalan kinabukasan. Ang lagay na ito ay gagamitin niya upang ipang-kain ng kanyang pamilya dahil, wala siyang hanapbuhay. Kahit dalawa lang kayo ng anak mu, hindi mu siya mapapakain ng maayos o mapag-aaral kung paglalabada ang trabaho mu, tapos bibigyan ka pa ng contraseptibs? Anak ng condom, gusto nila trabaho at edukason sa kanilang mga anak.
Kahit subukan nating lumigid sa tondo, Northville projects ng pamahalaan at mga nakatira sa lansangan, ang gusto nila libreng edukasyon at trabaho. Hindi nila kaylangan ng Condom at Kotraseptibs. Kahit ako, pagkagraduate ko sa Marso, kaylangan ko ng mas maraming oportunidad dito sa bansa ko hindi sa ibang panig ng mundo.
Kung pupunta ako sa health center(kasi nga magiging libre na rin ang condom para sa lahat) tapos bibigyan ako ng free one year condom supply with warranty, sisimangot lang ako. Mag-iisip, kakainin ko ba ‘to o gagamitin kahit virgin pa ko?...
*Last na ‘to. Bumibili ka ng isang produkto, may pagkakahati-hati ‘yun.
%-quantity
%-Price.
%-VAT.
% charge for Contraseptives/Condom
=T otal Sales.
Matatawa ka ba dahil wala kang pakialam sa batas na ito nung ipinapasa pa lamang at ngayo’y nagmahal ang binili mung produkto dahil naipasa na , O maiinis ka dahil hindi mu naman nagagamit ang nakacharge sa resibo mu.
(ngayon gising na ko at nagutom)
Ang post ko ngayon ay tungkol sa RH Bill. Alam ko, oo, hindi na ito dapat pang pag-usapan sapagkat hindi na ito naipasa, pero bubuhayin at bubuhayin pa rin ang panukalang ito sa mga darating na panahon.
Kaarawan ni Rizal, ng ating pambansang bayani. Ang mga istasyon ng telebisyon ngayon ay punong puno ng mga programa tungkol sa kanya (at nasisiyahan akong panoorin ang mga ito). Napakarami kong napulot na mga aral mula sa kanya at dahil sa mga ito ay nahimok akong kumilos bilang isang kabataang Filipino. “Kabataan ang pag-asa ng Bayan”.
RH Bill. Tutol o hindi nga ba ako? Anu nga ba ang halaga ng opinyon ko, ako’y simpleng mag-aaral lamang. Hindi hihinto ang mga mundo niyo sa mga salitang bibitawan ko. Pero, dapat, dapat na makialam ang kabataan sa kanyang bansa sapagkat ang anumang mangyayari dito’y makakaapekto sa kanya, sa mga magiging anak niya at sa mga susunod pang henerasyong Filipino.
Isang punto lang. Pondo at buwis, yun lang ang ayokong aksayahin ng pamahalaan sa pambili lang ng Condom at Kontraseptibs. Naniniwala akong hindi ito ang solusyon sa problema, higit sa populasyon ng bansang ito may iba pang dapat na bagay ang paglaanan ng pansin. Edukasyon, Hanap-buhay at maayos na paghawak ng pondo at paggamit nito. Hindi tayo mahirap, may mga kurakot lang na opisyal sa mga lokal na gobyerno.
Dati, sang ayon ako sa panukalang ito, matapos kong mapanood ang debate sa TV, bumaliktad ako dahil nakita ko ang posibleng maging epekto nito sa Pilipinas kong mahal.
Narito ang mga dahilan kung bakit nagbago ang aking pananaw.
- Mas maraming buwis na nakukuha sa Maynila kaysa sa ibang probinsya sa bansa, sapagkat mas marami ang naninirahan dito. Mas maraming tao, mas maraming buwis at pang-pondo.
- Mas marami ang Populasyon ng mga karatig nating bansa sa asya tulad ng Japan. Mas maunlad sila sa atin. Bakit? Inuuna nila ang sarili nilang mga produkto (hindi Made in China), tama ang paggamit ng pondo at walang kurakot. Nagsisimula ang kurakot sa mga Kandidatong inihahal natin sa Eleksyon.
- Sa mga bansang mas marami ang mga matatanda tulad ng Canada at Finland, kumukuha sila ng ibang mamamayan mula sa ibang bansa upang magpatakbo sa kanilang mga negosyo, ari-arin at mag-alaga sa kanila sapagkat maliit lamang ang populasyon nila. Hindi nasiguro ang kinabukasan, Ibig sabihin, pag marami o katam-taman ang populasyon, nasisisguro ang sususnod na henerasyon ng bansa. Walang magiging dayuhan.
- Ang Panukalang ito ay nagamit na sa ibang bansa tulad ng China at Amerikana. Sa mga pagkakataong ito, gusto na nilang labasan ang batas na ito na gustong pasukan ni Juan.
May napanood akong isang dokumentaryo. Sa smokey mt. nakatira ang mga bida sa istorya. DALAWA LAMANG ANG ANAK NIYA PERO HINDI NIYA PA ITO MAPAG-ARAL AT MAPAKAIN, Bakit? Wala siyang Maayos na Hanap-buhay.
Hindi ko kaylangan ng condom, dahil pag binigyan ako ng health center namin at ang iba pang kabataan ngayon sa bansa, baka kahit virgin pa sila, maaring subukan nila ang produkto.
Pondo patungo sa:
Edukasyon: Ang taong may edukasyon ay magkakaroon ng maayos na buhay at trabaho balang araw na makakatulong sa kanya, sa kanyang pamilya at sa bansa. Ang taong may Edukasyon ay maiisip na hindi niya kaylangang mag-anak ng marami kung hindi kaya ng hanap-buhay niya. Saan ba mas marami ang bilang ng pamilya? Hindi ba sa mga eskwater sapagkat wala silang hanap-buhay at edukasyon. Kung ang isang tao ay edukado, hindi siya maghahalal ng mga opisyal na walang-alam, makikilatis niya itong mabuti upang hindi madispalko ang buwis na iinabayad niya.
Trabaho: Ang pagkakaroon ng maayos na trabaho ay makakatulong sa kanilang mga anak upang makapag-aral, may makain at matirhan. Kapag walang trabaho o edukasyon ang isang tao, maghahalal siya ng opisyal na makapagbibigay sa kanya ng mas mataas na lagay bago ng halalan kinabukasan. Ang lagay na ito ay gagamitin niya upang ipang-kain ng kanyang pamilya dahil, wala siyang hanapbuhay. Kahit dalawa lang kayo ng anak mu, hindi mu siya mapapakain ng maayos o mapag-aaral kung paglalabada ang trabaho mu, tapos bibigyan ka pa ng contraseptibs? Anak ng condom, gusto nila trabaho at edukason sa kanilang mga anak.
Simple lang bakit kaylangan pang pahirapin ang equation?
Kahit subukan nating lumigid sa tondo, Northville projects ng pamahalaan at mga nakatira sa lansangan, ang gusto nila libreng edukasyon at trabaho. Hindi nila kaylangan ng Condom at Kotraseptibs. Kahit ako, pagkagraduate ko sa Marso, kaylangan ko ng mas maraming oportunidad dito sa bansa ko hindi sa ibang panig ng mundo.
Kung pupunta ako sa health center
*ikaw pag kagraduate mo, trabaho?. Pagpunta mo sa health center niyo o habang naglalakad ka may libreng condom ka (choose your favourite Flavor) anung gagawin mu?
*Last na ‘to. Bumibili ka ng isang produkto, may pagkakahati-hati ‘yun.
%-quantity
%-Price.
%-VAT.
% charge for Contraseptives/Condom
=T otal Sales.
Matatawa ka ba dahil wala kang pakialam sa batas na ito nung ipinapasa pa lamang at ngayo’y nagmahal ang binili mung produkto dahil naipasa na , O maiinis ka dahil hindi mu naman nagagamit ang nakacharge sa resibo mu.
Pahabol Sulat: Ang artikulong ito ay sinadya na isulat sa wikang Filipino. Mula sa impluwensya ni Bob ong (Bakit Baligtad magbasa ng Libro ang mga Pilipino), nang sa gayo’y mga Filipino lamang ang makaunawa sa suliraning ito ng bansa. Ito din ay mula sa impluwensya ng ating Pambansang Bayani “Ang hindi magmahal sa sariling Wika ay....” at alay sa kanya ng isang kabataan. Sana naging Masaya siya sa opinyon ko at pakikialam sa mahal kong bansang Pilipinas, kung nasaan ka man Rizal. Mabuhay ang Pilipinas!
(ngayon gising na ko at nagutom)
7 comentários
Ginoong Steve,
ReplyDeleteTama ang iyong inilahad sa iyong artikulong ito patungkol sa RH Bill na iyan. Ayon sa mga naganap na debate sa Kongreso nitong nakaraan buwan, inamin ni Edcel Lagman (ang Kongresistang sponsor ng panukalang batas na ito) na ang pinakamababang pondo na dapat na ilaan ng gobyerno sa RH Bill ay 3 Billion.
THREE BILLION!!! Mantakin mo kung gaano kalaking pondo ang sasayangin ng gobyerno para sa RH Bill na iyan.
Ayon kay Congresswoman Mitos Magsaysay, ang budget ng Department of Health ay binawasan mula 1.3 Billion patungo sa 900 million. So, anong ibig sabihin nito, mas mahalagang pondohan ng gobyerno ng 3 Billion pesos ang pagpipigil sa mga babaeng magbuntis kesa sa mas pamatay na sakit tulad ng sakit sa puso, TB, dengue at kung anu-ano pa na pinagkakasya lang sa kakaparinggot na 900 million budget ng DOH?
Isang tanong ang dapat masagot. Bakit itinutulak ang RH Bill na ito? Ang sagot? NEGOSYO!
Dahil kung maipasa ang RH Bill na iyan, siguradong may customer na ang mga gumagawa ng condom at pills dahil pipilitin ng RH Law na gumastos ang gobyerno ng PUBLIC MONEY para pambili lang ng produkto nila.
Mas malayo ang mararating ng 3 Billion na iyon kung ilalaan sa TESDA o sa DepEd upang maging edukado ang mga Pilipino para naman mas madali silang makahanap ng trabaho. Kapag na-educate mo ang mga Pinoy eh mas madali silang makahanap ng trabaho. Dadami ang mga taong productive sa Pinas. Kapag dumami ang mga productive sa Pinas eh tiyak na aangat ang ekonomiya natin.
wow ang dami kong nalaman dito parekoy...
ReplyDeleteat bakit ang tagal mo ding nawala ah. Busy?
Ay, may isa pa pala akong comment. Buhay pa ang RH Bill sa Kongreso. Na-postpone lang dahil nag-recess yung Congress for the month of June. Malamang sa July eh pag-usapan na naman yan.
ReplyDeleteNice one parekoy! good point. ako naman, I'm not FOR or AGAINST the RH bill, ang sakin lang e freedom to choose which will help you na pigilan ang sarili mo maganak ng maganak. Ung hindi subsidized ng gobyerno dahil tama ka, mas may mahalagang pwedeng papuntahan ng pondo, i.e. edukasyon.
ReplyDeleteNaku tama ka! Laki ng aaksayahin na pondo dyan na I'm sure yung iba e mapupunta lang sa mga bulsa nila. Mas marami pang importanteng bagay na dapat paglaanan ng pondo na yan.
ReplyDeleteMahirap humanap ng isang malawakang solusyon, tayong mga Pinoy kasi naghahanap ng easy way out, kaya kung ano-ano ang napag-uusapang solusyon. Dapat sarili muna ang baguhin, magsimula sa pgiging honest, lalo na sa mga politicians.
ReplyDeletevery nice and informative post.this details to get more traffic in websites thanku for shareing!SEO Packages
ReplyDeleteThanks for the comment bud! I want conversations going, so i'll reply to you soon. KEEP YOURSELF UPDATED, Subscribe now with my email rss and like this site on facebook and blog connect.
PS. Please also always include your contact info for replies!.