EDSA on its 25th
Kamusta aking mga kababayan?. Maligayang araw ng kalayaan!. Ngayon ay ang araw na bukod tangi sa lahat kung saan ang diwa ng EDSA ay nasa ating lahat. Ako, bilang isang kabataang Filipino ay masaya sapagkat aking tinatamasa ang kalayaang ibinigay sa'kin ng mga kababayan ko noon. Ako ay masaya sapagkat makalipas ng 25 taon ay nasa ating mga puso pa rin ang diwa ng EDSA. Kung tutuusin dapat tayo ay magpasalamat dahil ang pagiging Filipino ay katangi-tangi, at ang EDSA ang patunay nito.
Sa bagong henerasyong ito ng mga Filipino, marami ang kabiguang naidudulot sa imahe ng bansa. Ngunit naisip ba natin?, sino nga ba ang nagluklok sa pwesto ng mga pulitikong nagpapahirap satin?. Naisip ba natin, sino nga ba ang hindi tumutulong sa kapwa at makasarili?. Ang lipunan ba?Ang gobyerno ba?. Sino nga ba ang nagpapadumi sa imahe ng bansa?. Sila ba na latak sa imahe ng bansa? hindi ba't tayo ang dapat sisihin?. Palagi nating hinihingi ang pagbabago sa gobyerno ngunit ikaw ba, anu ang pagbabagong naibigay mo sa bansa mo?
Umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Una, sa halalan, bomoto tayo ng mga pulitikong karadapat-dapat nang sa gayon magkaron ng pagbabago sa gobyerno at mabawasan ang mga nagpapahirap sa atin. Tumulong tayo sa ating kapwa nang sa ganon ay maitaas ang ating moral. Ipagmalaki ang Pilipinas, ang kultura at kaugalian sa mga dayuhan at sa ibang bansa nang sa ganoon gumanda ang imahe ng bansa sa mundo. Kung sisimulan natin ito sa ating mga sarili, hindi ba't magkakaroon ng pagbabago?.
Naipakita na natin sa mundo ang nagagawa ng kapangyarihan ng Filipino. Magagawa natin ito ulit sa pamamagitan ng paguumpisa sa ating mga sarili. Huwag na nating siraan ang ating bansa, tayu lang ba ang mayroong bansa na palaging may pagkakamali?, hindi ba't marami pang bansa ang higit na nasasadlak sa kahihiyan at kontrobersiya?hindi ba't marami ding bansa ang may mga tiwaling gobyerno?. Huwag na natin itong ibida at ikahiya pa. Sa halip, ipagmalaki natin ang mga Filipinong nagbibigay sa ating ng karangalan. Sasapat na ba si Rizal at Bonifacio noong panahon ng kastila?, sasapat na ba si dating senador Ninoy Aquino at si dating Pangulong Cory Aquino?, sasapat na ba si Manny Pacquiao? si charice? si Arnel?si Venus Raj?.Sasapat na ba EDSA I, ang sabi nga sa kanta:
Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.
Sana'y sapat nang dahilan iyan upang ipagmalaki natin ang Pilipinas. Kung nais natin ng pagbabago, sa sarili natin mag-uumpisa ito. Hindi ba't likas sa ating ang pagiging bayani?.Ngayon, maging bayani ka at simulan mo ang pagbabago!.
"Kapag tinanong ka ng isang dayuhan kung ano at maganda ba ang Pilipinas ano ang isasagot mo?"
9 comentários
tunay namang naging inspirasyon ang pangyayaring ito maging sa ibang bansa...^_^
ReplyDeleteSasabihin ko ang totoo. Oo maganda ang Pilipinas.Maganda ang mga tanawin at mabaait ang mga Pilipino. Pero sasabihin ko rin ang totoo patungkol sa Pinas. Tngkol sa traffic, sa mga panloloko sa mga tourists.
ReplyDeleteKaialangan nating maging honest.
Nakakalungkot talagang isipin na may iilan na hindi na naniniwala sa diwa ng EDSA. Kung meron mang napatunayan ang EDSA, yun ay kapag nagkaisa ang sambayanan, ang imposible ay nagiging posible. :)
ReplyDeleteSasabihin ko na maganda ang Pilipinas, maraming mga mapupuntahan, ngunit tulad ng ibang bansa meron din siyang mag hindi magandang bagay tulad ng traffic, etc. :)
ReplyDeleteKahit sinong dayuhan magtanong sa akin kung maganda ba ang pilipinas ay sobrang ipagmamalaki ko ito. OO nga di perfect ang bansa natin pero kung ang pag uusapan ay ang pakikitungo ng mga pinoy sa mga dayuhan ay masasabi kong tayo ang pinaka hospitable sa lahat.
ReplyDeleteang diwa ng edsa ay dapat isabuhay araw-araw
ReplyDelete=)
My mom witnessed this entire thing before.. and thanks to the people though coz without them democracy can never be achieved again (I guess?)
ReplyDeleteI just hope everyone would know the value of EDSA. That we shouldn't waste all the efforts of our grandparents. ^_^
ReplyDelete---
was here with http://sassychiq.info/
Maganda ang Pilipinas, no doubt. Ü
ReplyDeletekaso yung mga namumuno kalimutan corrupt.
sana unahin muna nila ang kapakan ng buong bansa bago sarili nila. ;|
ang daming unfair sa bansa na 'to T___T
sa totoo lang wala pa akong napuntahang government agency na walang anomalya. nakakalungkot. :||
Thanks for the comment bud! I want conversations going, so i'll reply to you soon. KEEP YOURSELF UPDATED, Subscribe now with my email rss and like this site on facebook and blog connect.
PS. Please also always include your contact info for replies!.